Hanoi Hotels
|
  | |  |
My visit to Uncle Ho's homeland-Ha Noi, Viet Nam
Entry 5 of 6 | show all | print this entry |
Eto na naman ako sa aking mala-nobelang blog para malaman ninyo kung ano ang pinakalatest na info about me. Pasensya na kung medyo natagalan ang installment na ito…sadya lang naging napakagulo ng aking iskedyul dito sa opisina kaya ganun…
After ng aking Kuantan trip last week of February ay dumating na rin ang pagkakataon na matatakan ang aking passport uli – n2loy ang aming lakad papuntang Hanoi, Vietnam. Nung December pa ito pinabook ni Chari (yung isang ofcm8 ko d2) dahil may promo ang Air Asia…eh syempre pag may mga murang rates at may chance na umalis aba’y go dba?! Mahirap na kc gawin ang lahat ng ito pag umuwi dyan sa Pinas..lam nyo naman ang reputasyon ng maraming Pinoy…kaya dalang-dala na ang ibang mga bansa sa atin..(pero wag ka panay naman ang hire nila sa Pinoy..nlabo!) So, ayun nga umalis kami nung 10 papuntang Hanoi-si Ben (na housemate ko at ka-department) at ang jet-setter na si Chari (nakapunta n kc yan ng Cambodia, Macau, Hong Kong, Indonesia, Thailand at China..so gets nyo na). 3 hours ang flight from KL hanggang Hanoi. Wala namang aberya nung umalis kmi…wala ring isyu nung dumating kami sa immigration ng Hanoi (cute pa nga yung isang immigration officer eh…mala-diether ocampo o jay manalo ang dating ….eh may Vietnamese blood naman yung 2 yun eh). Kaso nung paglabas namin ng customs dun kmi nagkaron ng konting prob…ndi dumating yung airport pick-up namin, tinawagan na ni Chari…ayun! Ndi raw nagkaintindihan..ndi kami nailagay sa logbook ng mga susunduin…naloka kami..so ending namin taxi kami ng kusa papuntang Old Quarter ng Hanoi. So labas kami ngayon ng airport para kumuha ng taxi. Dito na sumalubong ang pangalawang pagkawindang naming 3 – MALAMIG!!! Syempre na-shock kaming 3..bakit ganun ang weather??di ba dapat summer na???!!! so medyo lost in space na ang dating namin diba?? Nakakuha naman agad ng taxi..klinaro rin namin ng $10 lang ang pamasahe from the airport to the Old Quarter. So, go-lah na kami. Nagtanong-tanong si Ben sa taxi driver ng detalye about the distance ng pupuntahan namin from the airport, 2ngkol sa weather, 2ngkol sa kung anu-ano pa kaso napaka-limited ng English nung taxi driver..pero panay naman ang ngiti nya at kamot na rin ng ulo sa 2wing may tanong si Ben. So tinigilan na lang namin ang pag-iimbestiga..Siguro nga Hanoi is better enjoyed by adventurous people. Tunay nga na ang daming motorsiklo sa bansang ito…kung sa China sandamukal ang bisikleta, motor ang panlaban ng Vietnam. Pero one thing for sure, lahat ng makita naming tao matanda man o bata, babae man o lalaki puro mga naka-WINTER CLOTHES!!! As in kumpleto…from bonnets, to scarves, to jackets with fur or fleece or thermal jackets and trench coats (even leather jackets), mittens or gloves, at naka-kuntodo boots ha!!! Medyo may kaba na kami na baka nga mapilitan kaming bumili ng jacket agad!! When we got to the Old Quarter another problem na naman ang hinarap namin-ang aming taxi driver pinabababa na kami at lakarin na lang daw namin ang papunta sa hotel. Syempre na-shocking asia kami! Nagtanong kami kung hindi ba nya alam kung saan yung hotel, nakupo!kumamot na naman ng ulo! So nagdecide na lang kaming bumaba at e2 na ang 2nay na nakapagpainit ng ulo ni Chari-sinisingil ba naman kami ng $20?! So doble ng talagang taxi rate…syempre umandar na si Ms. San Pablo “I will call the taxi company because they said we should only pay $10!” Naku e di c manong drayber humugot ng wallet at sabay labas ng panukli…kulang na daw yung $ na meron sya binigay na lahat ng tira nyang pera na totaling $8. Hinayaan na lang namin. So mega-walk kami mula sa kantong binabaan namin. Buti na lng at medyo malapit-lapit lang. Ang maganda lang sa nangyaring ito eh pagdating namin sa hotel talagang abot-tenga ang ngiti ng receptionist at bellboy kaya ayun!napawi naman kahit pano ang init ng ulo namin...nag-apologize sa miscommunication at dali-dali kaming dinala sa room namin. Cozy naman an gaming room kahit maliit lang sya..maliit lang kc ang allowed na sukat ng mga bahay dun eh…After namin magpahinga ng konti at magpaschedule ng city at ha long bay tour in the next 2 days ay lumabas na agad kami to view the surroundings. Tinanong din namin ang receptionist kung ano ang temperature nung araw na yun at kung normal ba yun. Sabi ni Tim 17degrees daw nung araw na yun at baka daw magdrop pa yun the next day! AYOS! Tumbling na kaming 3 kc nga puro summer clothes ang dala naming (take note, spaghetti strap blouses, sando, shorts at mini-skirt)….eh 4 seasons pala sila sa North Vietnam so spring palang…SYETE!! Paglabas namin ngatog na agad ako….kumain muna kami ng dinner na courtesy ni Chari (dahil nagbday sya 2 days before ng aming flight) tapos dumiretso na kami sa market…since ndi naka2long na painitin ang pakiramdam ko ng fud at ngatog pa rin ako sinabi kong kelangan ko na talaga ng jacket. So ang first purchase sa Indochina ay isang fleece jacket! Nakngtokwa! Aba! E kesa magyelo ako sa ginaw go na! Naglakad kami sa kahabaan ng kalsada na puno ng sandamukal na paninda..from clothes, to accessories, to shoes, to bags, to food and to souvenirs! Shopping galore ka na rin at syempre pwede kang tumawad…after namin mag-ikot-ikot at bumili nga ng pangginaw umuwi na rin kami…Maaga pa kc kmi for the city tour the following day.
So Day 2 tayo – nagpaalarm c Ben ng 6am para we have enough time to get ready, eat breakfast and join the city tour. Kami na muna ni Chari ang naligo at nagprepare at gus2 ni Ben na mag-“autistic” walk papunta sa Hoan Kiem Lake (isa sa mga attractions ng Hanoi) which is near the hotel. 2nd blooper ng trip na i2 – hindi namin na-double check na one hour behind ang Hanoi. So ang inakala naming 6am ay in fact, 5AM pa lang! Nagtaka si Ben kc when he got out of the elevator ng hotel-patay ang mga ilaw at 2log pa ang mga staff ng hotel. Patay din ang mga ilaw sa labas ng kalsada maliban sa mga traffic lights. So ending mega-gutom na kaming 3 by the time makalu2 cla ng breakfast!!Arrruuuuu!! Oh well, at least kami ang pinaka-ahead sa mga kasama sa city tour. We went around the city of Hanoi with Son-our tour guide. Dinala nya muna kami sa Tran Quoc Pagoda tapos tsaka kami nagpunta sa Mausoleum ni Ho Chi Minh, ang kanilang former President and Liberator. Importanteng detalye na dapat tandaan pagdadalawin si Uncle Ho-kelangan na “very polite” o desente ang kasuotan ng lahat-lalaki o babae-pag pupunta dun sa musoleo nya (so meaning ndi pwede ang mga bomba starlet outfits na sinusot ng mga hubadera dyan sa pinas) at hindi pwedeng magpasok ng camera, cellphone, mp3 o ipod (basta anything na electronic) sa loob ng musoleo. So iiiwan nyo yun sa inyong tour guide o kung sino man ang hindi papasok sa loob. My gulay! Napakahaba ng pila at from all sides ng complex nanggagaling! Ang daming gus2ng makakita sa isa sa mga staunchest communists in Southeast Asia! Tsaka pala bawal din ang maingay…you have to give due reverence to Uncle Ho or else paaalisin ka sa pila ng mga men in green (yun ang uniform ng mga nasa military/police nila). May point nga naman…eh kung magising ang patay???!!! Hahahahaha!!! So after n gaming face to face kay Uncle Ho (in fairness mas maganda ang itsura nya kesa kay Apo Macoy ha….ndi pa sya mukhang wax o porcelain kc) pumunta naman kami sa Museum meant for Uncle Ho at sa dati nyang mga tinirhan (dun sa dating governor’s palace, dun sa house on stilts etc). After that we went to the Museum of Ethnology, then to the One Pillar Pagoda, Hoan Kiem Lake and the Temple of Literature. Ang ganda sa temple na ito..very conducive for learning. It is Hanoi’s very first college at dito laging nagpupunta ang mga estudyante para magdasal kung gusto nilang pumasa sa exams nila (think St. Jude! Hahaha). Maganda din syang pasyalan…After n gaming city tour nagpahinga lang kami saglit sa hotel tapos labas na uli. This night naman nagdecide kaming mag-authentic Vietnamese food. Kumain kami sa mga usual na kainan nila (hindi uso ang fast food d2) at nag-order ako ng Pho xao bo (fried noodles with beef)…masarap sya in fairness ha…at nakakabusog….after ng aming dinner (na medyo mamantika) nagdessert kami sa Green Tangerine Café..ang sarap ng cakes nila!! One of the best I’ve eaten…not too sweet pero very tasty and soothing sa lalamunan…then cge lang kaming ikot at hanap ng mga posibleng bilhin on the last day ng stay.
Day 3 – alam n namin na hindi kami dapat mag-alarm ng 6..so 7 na kmi nag-alarm…bitbit ang mga jacket at scarves (na binili namin the night before) we headed for Ha Long Bay. Alangya! Nung nagkaron ng stop over at nung dumating kami sa pinaka-pier nila dun lang namin talaga tuluyang na-conclude na 3 na kami lang ang mga turistang galing sa developing countries!! I mean kung ndi puti ang turista (Americans, Australians, Kiwis, French, Germans, Britons) eh Hapon, Koreano at ilang Intsik ang mga kasama namin….so ndi ko lam kung dapat akong m2wa dahil kinaya namin makipagsabayan sa ibang mga turista o dapat akong maawa dhil parang sinabi mong kawawa naman ang mga taga-developing countries ndi nila maafford na bumyahe????!! So off we went towards the now-very much chartered waters of Ha Long Bay. Nung una ndi masyadong kita ang mga limestones na nagsulputan sa ibabaw ng 2big dahil sa tindi ng fog...pero eventually nung malapit-lapit na ang aming sampan ay nakita na rin naming sila…very serene ang buong lugar…ang peaceful ng dating…nakaka-relax…at nakaka-amaze ang creation ni Lord-simple pero rock (literally and figuratively) ang dating ng mga limestones na i2..cgro mas magandang di hamak i2 kng summer na..para talagang green na green at very vibrant ang dating. Sa boat na kami nag-lunch at nag-enjoy naman kami. Dumiretso kami sa Hang Dau Go (Dau Go Caves or Heavenly Palace Cave) na nasa dulo ng bay…Pagkataas-taas nun at animo pumanik k ng grotto sa Baguio! Ang maganda dun ang mga rock formations sa loob-lintek ang mga stalactites at stalagmites dun..ang galeng!! Kung creative ang utak mo ang dami mong maiimagine na formation ng rocks.After that bumalik na kami sa city. Syempre pagbalik ano pa ang gagawin naming 3 kundi? Umikot sa market at iba pang stores, scout good bargains at kumain uli! Sa Bun Bo Nam Bo kami kumain-tsalap ng pho nila din d2…may kinain pa kaming parang suman pero karne ang laman na msarap ihalo sa noodles mo. After nun pinuntahan din namin yung isa sa mga da best na coffee shops nila – Café Trung Nguyen. Syempre 2mambling kami kung pano iniinom yung kapeng hinain sa amin…nagpaturo kmi dun sa Vietnamese waiter na non-stop mag-smile…ayun! sa sobrang 2wa nga ni Chari eh kinabukasan bago lumipad pabalik ng KL eh bumili ang lola mo nung pambrew nila ng kape…hahaha!! Masarap ang kape nila ha…in fairness!!3 oras kaming naglalakad at nag-iikot at halos mamemorya na namin ang mga kalsada at kung ano ang itinitinda sa kalyeng yun…we went home exhausted but exhilarated.
Last day - it’s going to be a bittersweet goodbye to Hanoi for the 3 of us-we’ve gotten used to the very relaxing weather, the very warm and smiling people (not too mention that all of them are often in cafés and eateries-man! Pumapasok ba sa trabaho o eskwela ang mga taong ito??kasi kahit weekdays puno ang mga kainan at inuman dito from early morning till wee hours at night…kakapagtaka lang…), the simple charm of the Old Quarter and the very cheap merchandise and food! Naglast walking and shopping tour na kami nung umaga and then had lunch (sa isang napaka-chaotic na local eatery-sheesh!!! Mukhang nilalatigo ang mga serbidora pag nagexceed cla s 15 seconds sa pag-asikaso sa isang customer) tapos sumaglit sa Cathedral of Ha Noi to give respect kay Lord na nagbigay ng lahat ng opportunities na ito sa amin. By 3pm we were on our way to the airport. We had to wait (kc delayed ang dating ng eroplano) sa airport for quite a while, our wallets and pockets were significantly lighter than when we arrived last Saturday pero we were filled naman by the wonderful memories of our short but very fulfilling stay in Hanoi. Sa aming 3 kung papipiliin kami ng mga bansang babalikan namin if ever Ha Noi will be included in that list…..
Latest Comments (0)
No comments This entry is not accepting new comments. |
|
If you like this entry, search for other entries from Vietnam or try a new search. |
| |
| Table of Contents |
| 5. | My visit to Uncle Ho's homeland-Ha Noi, Viet Nam - Hanoi, Vietnam Mar 15, 2007 |
|
|
|
|
Back to Entry - Back to Home
|